50

Jul 27, 2021 @ 15:46
By

Bela umaming naka-date si Zanjoe

Nagsalita na si Bela Padilla sa real score sa pagitan nila ni Zanjoe Marudo.

Ayon kay Bela, totoong nag-date sila ni Zanjoe noon ngunit hindi naman ito nauwi sa relationship.

“Z and I were never really a couple. We weren’t boyfriend-girlfriend. We did date a few times but that’s it. We didn’t really date ‘date.’ Hindi naging kami,” ayon kay Bela sa interview kay G3 San Diego.

Kahit hindi naging mag-dyowa sina Zanjoe at Bela ay naging friends naman daw sila.

“Before we tried to date, we were friends first. Para siyang barkada. It’s nice to have friends that you can rely on in the industry. I am happy that we were able to bring that back, or to start the friendship again,” aniya pa.

Isa si Zanjoe sa mga aktor sa ‘366’ ang unang movie ni Bela kung saan siya ang nagdirek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?