JC-teetin
By

Bela, Ryza itinuturong dahilan ng JC-Teetin break up

Sharing is caring!

Sa comment section ng IG post ni Teetin Villanueva, direktang inamin nito na talagang hiwalay na sila ni JC Santos. Ang respond niya sa tanong tungkol kung ba’t sila naghiwalay, “He can’t be trusted. No, there’s no way we’re getting back together.”

Pagkatapos nito ay nagsanga-sanga na ang mga tsika tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay. May nag-akusa na nga na dahil ba sa leading ladies niya na sina B at R, na obviously ay referring to Bela Padilla at Ryza Cenon.

Si Bela ay co-star noon niya sa ‘Tula…’, samantalang si Ryza naman ay leading lady niya sa movie na Mr. & Mrs. Cruz na ipapalabas na sa January 24.

Excuse me, si B ay nali-link kay Zanjoe Marudo at si R naman ay dyowa si Cholo Barretto, noh!

Tapos, may nagsabi pa na ito ba ay isang fan girl from UP na mukhang cheap na ang naging sagot naman ay, ‘Perfect word’ in reference doon sa description nu’ng girl.

And then, may nag-comment pa na ito ba ay ‘yung stylist ni JC na sagot namang “She’s just one of the many.”

Obviously, ang dahilan ng paghihiwalay nila kung ito ang pagbabasehan ay tungkol sa infidelity ni JC, pero ayon naman kay JC, ‘yun ay dahil sa kanilang career at ibang priorities.

Well, bahala na kayo mag-judge who tells the truth and who plays the liar, devah?

Ma at Pa!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?