390
views

By

Bela puwet, legs ang ipinantapat kay Maja sa Hawaii

Sharing is caring!

Challenge accepted! With matching game face si Bela Padilla sa sinimulan ni Maja Salvador na pagdi-display ng kaseksihan sa Honolulu, Hawaii.

Sabi ko na, kung may ibang kakasa sa paseksihan sa lugar na ‘yon kay Maja, si Bela na ‘yon. At gagawin niya ‘yon na parang wala lang, effortless lang.

At dahil artist talaga si Bela, dapat may pagka-art ang ipo-post niyang mga photo sa Instagram. Kaya naman kahapon, tatlong sunod-sunod na mga photo ang pinost niya, at ang magagandang hubog ng legs niya, at maputing pisngi ng puwet naman ang idinispley niya, ha!

May kaartehan ang mga photo ni Bela, na nakatagilig, at with matching­ shades at feelin­g mowdel talaga, na sumusunod sa konsepto ng photographer.

At yes, winner rin naman talaga ang paandar na ‘yon ni Bela. Kaya kahit ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Padilla, napa-wow sa ganda at haba ng legs ni Bela.

“Hawaii, you had me at aloha #ASAPinHonolulu,” simpleng caption ni Bela.

@kyra, “Pahiram po ng legs kahit 1 day lang.”

@nadinepaguiavelascoroda, “How to be a sexy like u @bela.”

@nayrb_nat, “Sexy mo lodi.”

@rynad_24, “@bela Bellautiful.”

@2817cris, “Wow! Saksakan ka talaga ng ganda, Bela.”

@sephtan, “Wala na finish na.”

‘Yun na nga, wala na tapos na, ginalingan na, eh.

So, sino nga ba kina Maja at Bela ang dapat tanghaling Miss Honolulu Sexy Body? ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?