1,448

By

Bela Padilla pinagsabihan ang MMDA, ahensya sumagot

Hindi nagkibit-balikat ang Kapamilya actress na si Bela Padilla sa naispatang mga manggagawa ng Metropolitan Manila Development Authority na nakabalandra ang katawan sa initan habang sakay ng isang trak na walang bubungan.

Ayon kay Bela, dapat ay sinisiguro ng ahensya ang kaligtasan ng kanilang mga worker dahil delikado sa kanilang kalusugan ang matinding tirik ng araw sa gitna ng kalsada.

“Hello @MMDA I hope next time you can transport your workers more safely if we have laws to keep objects in closed trucks to avoid accidents, is it right that your men are exposed to harm this way?” ayon kay Bela.

Sang-ayon naman si MMDA Edsa traffic manager Bong Nebrija sa mungkahi ng aktres at sinabing gumagawa na ng hakbang para masolusyunan ang pagsiguro sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan.

“Safety is everyone’s responsibility. There’s no excuse here, we will again reiterate our safety standards to our men and make sure their supervisors do not expose them to such unsafe conditions,” ayon kay Nebrija sa report ng Inquirer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?