314

Mar 20, 2020 @ 16:16
By

Bela Padilla namigay ng P3.3M halaga ng grocery

Matapos umabot sa P3.3 milyon ang kanyang fundraising drive sa loob lang ng dalawang araw, ginamit na ito ng aktres na si Bela Padilla para makatulong sa mga mamamayan.

“Salamat po ps: the bags in the middle were the ones left at 7:30pm. Also, we didn’t keep all the donations in this bus but on the huge truck behind us. The bags in the bus are just for people we see on the streets and not the bulks we dropped off, that’s why we kept reloading,” caption ni Bela.

Namigay din ang aktres ng grocery sa mga uniformed personnel na nagbabantay sa mga checkpoint.

Naiisip naman ni Bela na magkaroon ng part 2 para rito.

“We repacked everything this morning, we split the donations into different cities, we handed them out ourselves… and we are willing to do that again if you guys want one more day of this. Let me know,” sey ni Bela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?