183

Nov 24, 2021 @ 17:45
By

Bela Padilla lumipat ng tirahan sa London

Masayang ibinahagi ng actress-director na si Bela Padilla na lumipat na siya ng tirahan sa London, United Kingdom.

Ibinalita ito ni Bela sa kaniyang Twitter account nitong Lunes.

Sinabi ng aktres na gusto niya munang hanapin ang kanyang katayuan bago sabihin sa publiko ang tungkol sa kanyang paglipat sa London.

“So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like. Now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video,” pahayag ng aktres sa kaniyang Twitter account.

Marami naman ang nagreply sa tweet ni Bela, kabilang na dito sina Karen Davila at MJ Lastimosa.

“Kudos and good for you Bela! 🙌🏼 Praying for your success!!! GO GIRL!” ani Davila.

“Are you accustomed to their food now? Or cooking pinoy food at home when craving nalang?” tanong naman ni Lastimosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?