3,858

Feb 14, 2020 @ 19:38
By

Bela Padilla busy sa cellphone, binosohan

Kailangan na talagang mag-ingat sa mga panahon ngayon dahil nagkakalat ang mga manyak na malingat ka lang ay mapagsasamantalahan na.

‘Yan ang nangyari sa Kapamilya actress na si Bela Padilla, matapos makatanggap ng Abante Tonite ng isang larawan kung saan makikita ang panty ng aktres na tila kinuhanan ng palihim sa isang stall ng bilihan ng mga accessory ng cellphone.

Sa larawan, makikita na busy sa pagse-cellphone si Bela na may kasamang isa pang babae, at ang sumunod na litrato ay kinuhanan sa bandang ibaba ng palda ng aktres na kita ang kanyang panty.

Kung titingnan ay pareho ng disenyo ang palda, bag at damit sa binosohan kaya’t malaki ang posibilidad na si Bela nga ang nasabing babae.

Wala pa namang pahayag si Bela tungkol sa nasabing larawan, at hindi pa rin kumakalat sa social media ito.

Kung totoo mang si Bela ang babae sa larawan ay sana’y mapanagot nito ang lihim na kumuha sa kanya para masampolan at hindi na ulit gawin sa iba pang kababaihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?