47

Feb 17, 2020 @ 16:38
By

Bela Padilla bibida sa Korean-Filipino movie

Level up ang career ni ‘Meet Me in St. Gallen’ star Bela Padilla.

Makakatambal kasi niya sa pelikula ang Korean actor na si Kim Gun Woo.

Kinumpirma ng Korean agency Good People ang mga cast ng Korean-Filipino movie na “Ultimate Oppa” noong Feb. 15 kung saan bida sina Bela at Gun Woo.

Sabi sa report ng Soompi, isang romantic comedy ang “Ultimate Oppa”.

Kuwento ito ni Jay (Gun Woo), isang manager ng Korean star, at ni Yana (Bela), na isa namang avid K-pop fan.

Kukunan ang movie sa South Korea at Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?