328

Nov 1, 2017 @ 14:43

Bela nag-solo sa Holloween

Lakas-lakasan ang loob ngayon ni Bela Padilla sa paglalakwatsa niya sa abroad nitong kakatapos lang na halloween.

Mag-isang lumipad at nagbakasyon ang aktres sa hindi niya sinabing lugar pero mukhang sa China siya nagtungo dahil sa mga language titles na makikita sa mga lugar kung saan siya merong photo opt.

Nakaposte sa Instagram account ni Bela ang pag-alis niya at sa photo niya sa airport na naka-leather jacket sinabi niyang ‘alone’ lang siya sa kanyang travel na ito.

@belapadilla, “It’s my first time to go somewhere without anyone waiting for me on the other end…”

Inamin ni Bella sa caption na ninerbyos siya sa kanyang gagawin pero sobrang saya niya dahil makakalabas na siya sa kanyang comfort zone yun ay ang pagkakaroon ng mga travel buddies o may sasalo sa kanya sa lugar na pupuntahan,.

“…I’m nervous but extremely happy to leave my comfort zone and head one to my favorite cities but this time alone, #belakwatsa.”

May photo opt si Bela sa isang babaeng nakasuot ng traditional chinese dress kaya malamang na sa China nga ito nagpunta.  Isa, prinumote ng aktres ang pelikula ng kaibigan niyang si Kim Chiu ang “Ghost Bride” na isang chinese-theme movie.

Nag-comment ang ilan sa mga followings ng aktres sa IG nito at hinahanap si Zanjoe Marudo.

Sabi ng mga ito, bakit raw hindi isinama ni Bela ang rumored suitor niyang si Zanjoe sa trip niya gayong wala naman itong ibang schedules.

Anyways, ang travel buddy palagi ni Bela ay ang kaibigang si Dani Baretto na anak ni Marjorie Baretto sa unang boyfriend na si Kier Legaspi.

Nasa Pangasinan ang blogger-lifestyle writer at naglulunoy sa kaligayahan kasama ang non-showbiz boyfriend nito. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?