196
abante-tnt-vismin-bela-padilla-jc-santos
By

Bela, JC hugot pinalakpakan ng mga fan

Tahimik lahat sa loob ng Cinema 7, sa Trinoma habang pinapanood namin ang pelikulang The Day After Valentines nina Bela Padilla at JC Santos.

Medyo late nagsimula ang premiere night na dinaluhan nga nina Bela, JC at iba pa. Pero, ayon sa kanila pagkatapos nilang mapanood ang pelikula ay sulit na sulit naman ang kanilang pinaghintay.

Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga manonood habang tumatakbo ang closing credits nito signifying na muli silang humanga sa tandem na ito na nauna nilang napanood sa 100 Tula Para Kay Stella.

Napaka-natural pa ring umarte ni Bela samantalang si JC ay consistently good, kaya no wonder na nagiging paborito na sila ni Direk Jason Paul Laxamana. Ang wish na nga lang ng dalawa ay maging successful din ito sa pila na magsisimula ngayon (August 15) bilang isa sa entries ng Pista Ng Pelikulang Pilipino 2018.

Pero, mas higit sa box-office success, gusto nina Bela at JC na ma-enjoy ng mga manonood ang pelikula nila lalo na nga at follow-up movie nila ito together na kung saan ay litaw na litaw ang chemistry ng dalawa.

Wala kaming tulang narinig sa buong kuwento, pero ang tula ng buhay sa pag-iibigang naudlot at tila walang nangyayari ay sapat na nga upang mas lalo pang maging curious ang mga tao kung bakit ganito ang naging titulo nito.

Congrats!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?