140
bela-angel-neil
By

Bela, gustong ipanood kina Angel-Neil ang movie niya

Pinaplanong imbitahan ni Bela Padilla ang magkasintahang sina Angel Locsin at Neil Arce sa celebrity screening ng lalabas niyang movie, ang “Meet Me In St. Gallen” kasama si Carlo Aquino na prinudyus ng Spring Films at Viva Entertainmet Inc. at dinirehe ni Irma Villamor na siya ring nagdirek sa “Camp Sawi” kung saan ang isa sa mga bida ay si Bela.

Ayon kay Bela sa presscon ng kanilang nasabing pelikula na ginanap sa Plaza Ibarra, Timog, QC noong Biyernes ng hapon, matagal na siyang nakapag-move on sa hiwalayan nila ni Neil at gusto nga raw niyang panoorin ng dalawa ang movie niya.

Si Neil ay isang film producer na dating kasintahan ni Bela nang ilang taon.

Ito na ngayon ang nagbibigay ng inspirasyon kay Angel.

Alam daw ni Bela ang contact number ni Angel at nagkakausap pa rin naman sila ni Neil, kaya plano niyang kontakin ang dalawa para sa advanced screening ng movie.

Walang ideya si Bela at hindi rin nakakarating sa kanya ang isyung pinagsasabong sila ni Angel dahil kay Neil.

Hindi rin daw niya nababasa ang bangayan ng mga fans tungkol sa kanilang dalawa ni Angel kaya wala siyang opinyon tungkol dito.

Ayaw lang sagutin ni Bela ang tanong namin kung may ‘kilig’ ba sa kanya ang relasyon ngayon ng kanyang ex kay Angel.

“Awkward” daw kung magkakaroon siya ng komento tungkol dito at sasabihing kinikilig siya.

Giit ni Bela, masaya siya sa pagiging loveless niya. Inamin niyang may mga nagpaparamdam sa kanya pero hindi raw siya nakikipag-date.

Hindi pumapatol sa casual date si Bela. Mas gusto niyang makipagkuwentuhan kaysa makipag-date.

Anyways, excited si Bela sa MMISG dahil bukod sa napakaganda ng pelikula nila, kinunan ito sa Switzerland at sa isang 1,800 year old church.

Iniiwasan ni Bela na ma-pressure lalo’t ang producer ng “Kita-Kita” nina Empoy at Alessandra de Rossi na Spring Films ay kumita ng higit sa P500 milyon.

Nangangako lang si Bela na hindi magsisisi ang manonood sa isang magandang viewing pleasure sa kanilang pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?