87

By

Bela bokya ngayong V-Day

May taping para sa MMK sa Kapamilya Network si Bela Padilla ngayong Valentine’s Day kaya hindi magiging malungkot ang Araw ng mga Puso sa aktres ngayong single siya.

Natatawang ibinalita sa amin ni Bela na nataong sa Valentine’s Day ang taping niya na tamang-tama lang naman dahil wala siyang boyfriend.

Sa mga nagtatanong kung nalulungkot ba si Bela at naiinggit sa ex-boyfriend niyang si Neil Arce na may Angel Locsin na ngayon? Masaya po ngayon ang aktres.

Sinabi naman ni Bela na gusto niya ang buhay niya ngayon bilang single at nakakapag-focus siya sa trabaho.

Hindi niya pinagsisihan na nakipaghiwalay siya kay Neil at pinili niya ang mag-focus sa work dahil nagkasunod-sunod naman ang mga project niya.

Gustong paghandaan ni Bela ang kanyang future at marami pa siyang gustong gawin gaya ng subukan namang makapag-direhe sa mga susunod na taon.

Naaaliw si Bela sa mga concern ng iba tungkol sa kanyang personal life at parang hindi raw siya mabubuhay nang walang lovelife.

Naiintindihan ng aktres ang kanyang mga fans pero ito raw ang pinili niyang buhay at masaya siya sa estado niya ngayon.

Patuloy niyang iginiit na wala naman talagang bad-blood sa kanilang tatlo nina Neil at Angel. Muntik na nga raw silang mag-abot ni Angel sa baby shower ni Sarah Lahbati pero nauna lang silang umalis ni Yassi.

Nagkita raw sila ni Neil sa office ng Cornerstone dahil may meeting siya sa kanilang direktor ng “Meet Me In St. Gallen” na si Irene Villamor. At si Neil naman ay kina Piolo Pascual at Erikson Raymundo na producers ng Spring Films.

Kuwento pa ni Bela, nang mag-break sila ni Neil, kinabukasan nagkita sila uli dahil may mga project silang dapat harapin.

Hindi sila dapat mag-iwasan dahil maraming mga tao ang masasakripisyo kung magiging bitter sila sa isa’t isa.

Hanggang ngayon ay okey sila ni Neil at maging ni Angel.

Samantala, sinusulat ang item na ito ay wala pang kumpirmasyon kung darating ba sa celebrity screening ng “Meet Me In St. Gallen” sina Angel at Neil, sa imbitasyon ni Bela. Gagawin ito sa Trinoma Cinema.

Sinabi kasi ni Bela na gusto niyang imbitahan ang magkasintahan sa screening para mapanood ng mga ito ang kanyang pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?