63
Korean Kpop Anne Curtis Bella Padilla
By

Bela, Anne inggit na inggit kay Gretchen Ho dahil sa Korean actor

Hindi napigilan nina Anne Curtis at Bela Padilla na mainggit kay Gretchen Ho nang makita nito ang Korean Star na si Nam Joo Hyuk.

Namataan ni Gretchen ang “Weightlifting Fairy” series star sa NBA All-Star Weekend sa Los Angeles, California.

Nasa LA si Gretchen para mag-cover ng basketball event at eksaktong namataan nito si Joo Hyuk na isang NBA avid fan.

Nakaposte sa Twitter wall ni Gretchen ang photo niya kay Joo Hyuk habang ini-interview niya ito. At sa caption ibinalita ng sports TV host ang naramdaman niyang kilig habang kinakausap ang Korean actor.

@gretchenho, “Good morning guys, hindi naman ako masyadong kinilig hindi naman..#abangan #exclusive #NBAAllStar #NBAAllStarGretchen.”

Nasilip ni Anne ang posting na ito ni Gretchen kaya agad siyang nagpahayag ng inggit sa magandang moment na ito ng huli.

@annecurtissmith, “OMG KA!!!! Napakasuwerte!!!”

May comment rin si Bela sa posting na ito at pinanghihinayangan nito na wala siya nang mga sandaling nakatsikahan ni Gretchen ang Korean actor.

@padillabela, “Huy Teka, Bat di ka nagsama???”

Hindi naman kataka-taka na mainggit sina Anne at Bela dahil certified avid fan ang mga ito ng mga Asian star lalo na ng mga Korean actor.

Si Anne nga noong nakaraang taon sunod-sunod ang posting niya ng paghanga sa Goblin at Trip to Busan actor na si Gong Yoo.

Siguradong nakatsikahan na nina Bela at Anne si Gretchen para alamin ang experience ng huli sa interview.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?