26

By

Beki, tiklo sa pagnanakaw sa ex-teacher

Sharing is caring!

Kulong ang isang beki matapos maaresto sa aktong nagnanakaw ng mga gamit sa bahay ng matandang babae sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-dos ng madaling-araw nang pasukin ng suspek na si Rafael Santillan, 26-anyos, walang hanapbuhay at residente ng Barangay 156, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, ang bahay ni Enerita Morales, 70, dating guro.

Ilang mga residente sa lugar ang nakapansin sa suspek at agad inalerto ang mga tanod ng barangay.

Nang makaramdam na may paparating ay tinangkang tumakas ni Santillan ngunit nahuli ng mga barangay tanod na nakapalibot na sa bahay ng biktima.

Binitbit sa himpilan ng pulisya ang beki at ilang sandali lang ay nagdatingan ang ilan pang nabiktima rin ni Santillan kabilang na ang gurong si Arlene Ochaves, na natangayan nito ng P100,000 na pang-chemo, isang laptop at mga cellphone.

Samantala, narekober sa suspek ang isang pen gun na nakasukbit sa kanyang beywang. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?