289
suicide
Oct 24, 2017 @ 16:51

Beki, natuluyan sa pangalawang suicide

Labis na dinamdam ng isang 20-anyos na lalaking estudyante ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang boyfriend kaya’t nagpakamatay ito sa kanilang bahay sa Pasay City kamakalawa.

Dakong alas-11:00 ng tanghali nang madiskubre si John Billy Fernandez na nakabitin sa ilalim ng hagdan ng kanilang bahay at may nakapulupot na nylon cord sa kanyang leeg.

Ang kanyang 73-anyos na lola na si Roae Fernandez ang nakakita sa nakabitin na apo.

Ayon kay Lola Rose, unang nagtangkang magpakamatay ang kanyang apo noong nakaraang Setyembre 23 sa pamamagitan ng pag-inom ng asido.

Nabuhay ito nang agad maisugod sa ospital.

Nabatid na nag-iwan ng kanyang suicide note si Fernandez sa kanyang Facebook account.

Dumanas ng matinding depresyon si Fernandez nang makipag-break sa kanya ang kanyang boyfriend noong Setyembre 30. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?