24

Sep 30, 2021 @ 18:19
By

Beermen winalis Northport, lusot sa semis

Byaheng semifinals ng PBA Philippine Cup ang San Miguel Beermen matapos ibaon ang Northport Batang Pier, 100-95, ngayong Huwebes.

Di gaya sa game one kung saan kinailangan ng Beermen ang isang game-winning shot, bumuo na sila ng komportableng lamang at inalagaan ito tungo sa 2-0 sweep sa kanilang best of three quarter finals series.

Bumida sa kanilang panalo si CJ Perez na may 21 points, at nagdagdag pa si Mo Tautuaa ng 17 points habang 15 points ang mula kay Marcio Lassiter.

Bukod sa kanila, may apat pang manlalaro ang San Miguel na umiskor ng double digits.

Makakaharap ng Beermen sa best-of-seven semis ang TNT Tropang Giga.

Nahirapan naman ang main man ng Batang Pier na si Robert Bolick at tumapos ng may 12 points, taliwas sa magandang laro ni Greg Slaughter na may 27 points at 12 rebounds. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?