51

Feb 8, 2018 @ 14:19
By

Beermen, target ang twice to beat sa QF

Alam ni SMB coach Leo Austria na naghahabol ang Blackwater Elite kaya naman gagawin nito ang lahat para manalo sa kanilang paghaharap bukas ng alas-4:30 hapon sa PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome.

“Very important para sa amin ang game na ito that’s why ang sabi ko nga sa team ko we have to be on our toes kasi nga kayang-kaya ng Blackwater to spring any surprise against us,” saad ni Austria.

Ayon sa coach, kailangan nilang maipanalo ito at ang susunod nilang laro para makamit ang top 2 na puwesto, at para magkaroon ng twice to beat advantage sa quarterfinals.

“Kapag nanalo kami sa Blackwater and then Alaska (next Saturday in Batangas City) then malamang na nasa top two na kami,” ani Austria.

Para sa Blackwater kinakailangan nilang maipanalo ang apat na natitirang laro nila para magkaroon ng tiyansang makasama sa walong papasok sa quarterfinals ngunit isa pang pagkatalo ay nangangahulugan na isa na sila sa mga maagang malalaglag sa torneo

“We will come to the game against SMB tomorrow prepared and get a win to end our downslide,” paumpisa ni Isaac.

Hindi pa rin makakalaro sina Alex Cabagnot at Gabby Espinas para sa Beermen kaya naman maghahanap ang SMB ng panghuhugutan ng opensa kahit pa nandiyan si June Mar Fajardo .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?