57

Dec 27, 2017 @ 11:28

Beermen target ang ika-2 panalo kontra Meralco Bolts

Sasabak sa kanilang unang pagsubok para masungkit ang four-peat sa PBA Philippine Cup ang San Miguel Beermen sa paghaharap nila ng finals runner-up Meralco Bolts sa Ynares Sports Center sa Antipolo ngayong Miyerkules.

Nakaabante na ng isang panalo ang Beermen makaraang talunin ang Phoenix sa pagbubukas ng PBA 43rd season, 104-96.

Mag-uumpisa ang sagupaan nila ng alas-siyete ng gabi sa likod ng first game na paghaharap naman ng Phoenix at KIA Picanto sa alas-4:15 ng hapon.

“Hindi pa ‘to (Phoenix) ang gauge,” ani Austria sa Spin.ph.

“We still have to see kung ano ipapakita ng ibang teams,” dagdag pa niya.

Target ng San Miguel ang ikalawang panalo habang isang malaking hamon para kay Bolts coach Norman Black ang harapin ang SMB dahil sa talento at bentahe nito sa malalaking players.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?