439

Beermen nakumpleto na ang 15-man roster; sasabak sa Phoenix

Sharing is caring!

Kumpleto na ang bataan ni SMB coach Leo Austria sa pagsabak sa PBA Philippine Cup matapos papirmahin ng kontrata ang tatlo pang players na dagdag sa kanilang koponan.

Ito’y ang mga beteranong sina Billy Mamaril, Chico Lanete, at ang rookie na si Louie Vigil.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang SMC management hinggil sa kontrata ngunit kasama na ang tatlo sa listahan ng 15-man roster ng Beermen sa PBA.

Ang Beermen ang kasalukuyang defending champion ng all-Pinoy title at nairekord ang apat na sunod na pagsikwat nito.

Nabingwit ng Beermen si Vigil, na dating UST team captain, bilang second round pick sa katatapos lang na rookie draft habang sina Mamaril at Lanete ay nakahanay bilang unrestricted free agent ng Globalport at Phoenix.

Unang haharapin ng SMB ang Phoenix Fuel Masters sa Linggo, Disyembre 17 sa pagsisimula ng 43rd PBA Season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?