43
views

By

Beermen naglalaway kay Standhardinger

Sharing is caring!

Hindi pa sigurado si San Miguel Beer coach Leo Austria kung anong yugto ng parating na PBA Commissioner’s Cup makakasama ng team si Christian Standhardinger.

Naglalaro pa ang 6-foot-7 Fil-German sa Hong Kong Eastern sa ASEAN Basketball League na nasa playoffs na rin.

Sa April 22 ang siklab ng midseason tournament pero sa first two weeks ay tengga muna ang defending champion Beermen na katatapos lang sikwatin ang pang-apat na sunod na korona ng Philippine Cup.

Kung matatapos nang maaga ang stint ng Hong Kong Eastern sa playoffs, makakasama agad si Standhardinger sa SMB. Pero matatagalan kung aabot hanggang ABL Finals angHK Eastern.

Hindi pa nakakapagpraktis ang 2017 top pick overall kasama ng Beermen.

Si Troy Gillenwater ay nakapag-ensayo na sa SMB, dumating ang 6-9 import sa bansa sa kasagsagan ng all-Filipino Finals.

“We don’t really know kung kailan siya (Standhardinger) makakarating dito,” ani Austria sa victory party ng SMB sa kanilang headquarters sa Ortigas Martes ng gabi.

May 6-10 June Mar Fajardo na, dagdag laki pa sa Beermen sina Standhardinger at Gillenwater na bubuo na sa triple tower ni Austria.

Puwede niyang pagsabayin ang tatlo, depende sa makakatapat.

“Everybody in the team has a role to do. It will depend on the kind of opponent that we have,” lahad ni Austria. “Although lagi ko naman ginagamit ang two bigs, this time malamang magti-three bigs ako.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?