59

Apr 2, 2018 @ 9:16

Beermen nadalawahan na ang Hotshots

Nakuha ng San Miguel Beermen ang kontrol sa 2018 PBA Philippine Cup finals series, matapos kunin ang panalo kontra magnola Hotshots sa Game 3, 111-87, sa Smart-Araneta Coliseum.

Nanguna sa balanseng attack ng Beermen si Marcio Lassiter sa kanyang 24 points, 5/9 sa three-point area. May anim rebounds at limang steals din ito.

Limang players pa ng SMB ang naka-double figures sa pangunguna ni June Mar Fajardo na may 21 points.

Sa pangalang sunod na laban, umalagwa sa fourth quarter ang San Miguel kung saan nalamangan nila sa puntusan, 36-19, ang Magnolia.

Naghahabol lang ng pito ang Magnolia, 75-68, subalit kumaripas naman ang San Miguel sa fourth quarter at hindi na nakahabol pa ang kalaban.

Bukod sa 21 points, may 17 rebounds din si Fajardo sa 31 minuto. May tig-14 sina Arwind Santos at Chris Ross.

Iskor:

SAN MIGUEL 111 – Lassiter 24, Fajardo 21, Ross 14, Santos 14, Heruela 11, Espinas 9, Cabagnot 5, Rosser 5, Pessumal 4, Semerad 2, Vigil 2, Mamaril 0, Lanete 0.

MAGNOLIA 87 – Barroca 22, Lee 15, Ramos 12, Simon 10, Sangalang 6, Dela Rosa 6, Jalalon 6, Gamalinda 6, Reavis 4, Pascual 0, Mendoza 0, Brondial 0, Herndon 0.

Quarters: 29-22, 50-49, 75-68, 111-87.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?