254

Aug 4, 2018 @ 2:10
By

Beermen, Cabagnot hindi kukurap

Maraming posibleng mangyari sa Commissioner’s Cup Finals, kaya bawat laro ay todo-bigay si Alex Cabagnot at ang San Miguel Beer.

Bago ang Game 4 kagabi sa Smart Araneta Coliseum, nalamangan ng Beermen ang Ginebra sa best-of-seven series 2-1 pagkatapos ng 132-94 blowout win noong Miyerkoles.

Dalawang panalo pa ang kailangan, kaya gusto nilang ituloy ang angas hanggang makumpleto ang title defense sa midseason conference.

Hindi pwedeng pumikit ‘pag Gin Kings at si Tim Cone ang katapat.

“That’s how complex the best-of-seven Finals is, especially with coach Tim Cone,” lahad ni Cabagnot, may 9 points, 8 assists at tig-3 rebounds at steals sa Game 3. “Even though we win by 25 or 2 or 3, it’s just a win. It’s still 2-1. Our efforts would be in vain if we don’t continue to have the aptitude for the next game.”

Pagkatapos ng first two quarters ay manipis na 53-51 lang ang bentahe ng San Miguel bago kumalas sa third at kinumpleto ang blowout sa fourth.

“Look at the meat part. It was a two-point lead going into the second half, that’s something that we have to like watch on film,” dagdag ni Cabagnot. “I don’t think we should gonna look at the last, fourth quarter, because that’s something that we don’t want to lose our energy on.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?