73

Jul 4, 2019 @ 19:09
By ,

Beermen ayaw sagarin si Romeo

Bumalik na sa practice nitong Huwebes si Terrence Romeo ng San Miguel Beermen.

Hindi pa sumasabak sa Commissioner’s Cup si Romeo dahil sa minor achilles injury pero magandang senyales ito para sa Beermen na nasa ika-10 pwesto hawak ang 2-5 baraha.

Sa panayam ng Spin.ph, inamin ng dating UAAP MVP na tinatantsa niya pa ang kanyang sarili kung kakayanin na nitong maglaro Biyernes kontra NLEX Road Warriors.

“Siguro, titignan ko pa bukas kasi out of shape so baka mamaya hindi ako makahabol,” sabi ni Romeo.

Para naman kay San Miguel coach Leo Austria, hindi niya pipilitin na makabalik agad si Romeo kahit malaking bagay sa tropa ang pagbabalik nito.

“It will depend on him. Kami naman ang coaching staff na we will not be forcing them to play if they are not a hundred percent or they are not in the mood to play,” ani Austria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?