Beermen

Beermen 3-0 na matapos kalusin ang TNT

Sharing is caring!

Nakuha ng San Miguel Beer ang ikatlo nilang panalo matapos kalusin ang Talk ‘N Text KaTropa ngayong Sabado, Enero 13 sa PBA Philippine Cup sa University of San Agustin Gym sa Iloilo City.

Bumuwelta ang Beermen at si June Mar Fajardo sa fourth quarter para talunin ang TNT sa dikit nilang laban, 88-76.

Tinanghal na best player of the game si ‘The Kraken’ June Mar na trumabaho ng 20 points, 6 rebounds at 3 blocks para ihatid sa malinis na 3-0 kartada ang SMB.

May 16 points, 11 rebounds at 2 assists naman si Alex Cabagnot, kung saan nalimitahan lang ng Beermen sa 30-15 ang KaTropa.

Lagpak sa 1-1 karta ang TNT, na sunod na haharapin ang Blackwater Elite sa Miyerkoles, Enero 17 ng alas-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Habang asignatura ng SMB sa Biyernes, Enero 19 ng 7:00 p.m. ang NLEX Road Warriors sa Cuneta Astrodome.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?