73

Mar 5, 2020 @ 15:23
By

Beer commercial ni Jo Koy, inalay sa kanyang Pinay na ina

Dahil Women’s History Month ang buwan ng Marso, isang nakakaantig na commercial ng mag-inang Filipino-American ang ibinida.

Sa website ng AsAmNews, binahagi ang beer commercial ng Filipino-American standup comedian na si Jo Koy kasama ang kanyang ina.

Naiyak ang mga netizen dahil sa mga pahayag ni Jo Koy sa kanyang ina sa commercial, na nagpakita ng mother and son relationship at pagmamahal nila sa isa’t isa.

“Sometimes we forget to say thank you to the ones you love. I toasted my mother and thanked her for everything she sacrificed, so I can chase my dream of being a comedian,” sabi ni Jo Koy.

Bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo ng kanyang inang si Josie na single mom, inalay niya rito ang kanyang “toast”.

Bahagi ito ng “Toast Someone” ad campaign ng beer brand na Sam Adams noong 2019 holiday season.

https://www.youtube.com/watch?v=Dd9wg6sYn0s&feature=emb_title

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?