65

Nov 6, 2020 @ 20:38

Beep card sa MRT Araneta Center-Cubao Station may bayad

Sa kabila na ipinag-utos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala nang bayad ang mga beep card sa mga pampublikong sasakyan, isang istasyon ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 ang naniningil pa rin nun.

Magugunitang naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2020-057 para sa libreng paggamit ng mga stored value card sa mga cashless transaction sa mga pampublikong sasakyan.

Ibig sabihin, babayaran lang ng mga pasahero ay kanilang pamasahe.

Pero sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT ay napansin ng isang pasahero, na tumangging magpabanggit ng pangalan sa Abante, na may charge ang binili niyang beep card.

Batay sa breakdown ng resibo na kanyang ibinahagi sa Abante, P70 ang siningil para sa purse value habang P30 naman para sa issuance fee kaya kabuuang P100 ang ibinayad niya.

Bukod doon ay mayroon din silang sinisingil na P10 renewal fee para sa beep card.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,