148

Dec 23, 2017 @ 17:16
By

Bedano, Nueva binisig ang Tanauan A sa titulo

Natupad din ng Tanauan A ang pangarap na makasungkit ng national softball crown matapos nilang kalusin ang dramatic come from behind 3-2 victory kontra Sta. Maria, Bulacan sa katatapos na 2017 Cebuana Lhuillier-ASAPHIL U-18 Women’s Softball Championship sa Sto. Niño sa Marikina City.

Kinapitan ng Tanauan sina Angel Bedano at Kathy Nueva upang makaiskor ng dalawa at mabawi ang bandera matapos hawakan ang 3-2 lead.

Nag-ambag din si Most Valuable Player (MVP), Royevel Palma para sa Tanauan sa kalahati ng final inning.

“I was confident about winning this time, we prepared for this for a year and our motivation came from losing to Bacolod last year and we were the ones who were waiting in the finals, we joined a lot of tournaments to give the girls more exposure,” saad ni Tanauan coach at barangay captain Ramil Mercado.

Tumanggap ang Tanauan ng P25,000 bilang incentive habang ibinulsa ng Sta. Maria ang P15,000.

Nasikwat ng team Rizal ang third place price na P10,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?