43

Oct 28, 2017 @ 11:11

Beda isusunod ng Baste

Mga laro sa Nov. 7 (MOA Arena)
1 p.m. – San Beda vs. St. Benilde (jrs)
3:30 p.m. – San Beda vs. San Sebastian (srs)

Hilahod ng dalawang beses sa elimination round, inari ng San Sebastian ang huling halakhak nang patalsikin ang JRU 85-73 kahapon sa first stepladder semifinals ng 93rd NCAA basketball sa Mall of Asia Arena.

Winalis ng Heavy Bombers ang Stags sa dalawang laro sa eliminations, pero hindi napigilan sina RK Ilagan, Michael Calisaan at Allyn Bulanadi.

Nagsanib puwersa sa opensa sina Ilagan, Calisaan at Bulanadi upang tulungan ang San Sebastian na isampa sa second stepladder semis laban sa defending champion San Beda sa November 7.

Ang huling nakatayo ang hahamon sa Lyceum (18-0) sa best-of-three finals.

Lumabas ang tikas ng Stags matapos ang break, humarurot ng 14-0 run tungo sa 65-43 lead 1:57 bago ang payoff period.

“Pinag-usapan namin sa halftime kung paano mapipigil ang momentum ng JRU,” ani San Sebastian coach Egay Macaraya.”

We had to push them sa pressure at tinuloy-tuloy lang namin.” (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?