134

Dec 15, 2017 @ 19:34
By

Beda, Benilde nagtabla matapos hindi makaiskor sa football

Nagsalo sa puntos ang defending champion San Beda College at College of Saint Benilde-La Salle Greenhills matapos ang kanilang goalless match sa 93rd NCAA juniors football tournament sa Rizal Memorial Stadium, Huwebes ng gabi.

Matapos ang umiskor ng 26 goals sa unang apat na matches, napigil ang offensive rampage ng Junior Red Booters dahil sa higpit ng depensa ng Greenies kaya nakahirit ang huli ng draw.

Nanatiling nasa tuktok ang Beda kapit ang 13 points, maliwanag na dalawang puntos na abante sa LSGH na nasa segunda.

Magkapareho ang mga puntos ng Arellano University at Colegio de San Juan de Letran na may tig 11, matapos kalusin ng una ang Lyceum of the Philippines University, 5-0.

Subalit hinawakan ng Braves ang third spot dahil sa better goal difference laban sa Squires. Pareho silang nakasiguro ng Final Four qualification.

Sa no-bearing match, nanaig ang Emilio Aguinaldo College sa University of Perpetual Help, 3-0.

Laglag na sa semifinals ang Brigadiers na may four points habang ang Junior Altas ay napako sa dalawang puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?