19

Jan 4, 2022 @ 16:43
By

Bed occupancy sa mga ospital sa NCR nasa 29% na – OCTA

Tumaas na sa 29 porsyento ang bed occupancy sa mga ospital sa National Capital Region, ayon sa research group na OCTA.

Sabi sa Twitter post ni Dr. Guido David ng OCTA, tumaas ang porsyento ng bed occupancy mula sa 17 porsyento hanggang 29 porsyento sa loob lamang ng isang linggo.

“Hospital bed occupancy seems to be increasing at a faster rate compared to ICU occupancy,” saad ni David.

Ngunit aniya, mas mababa pa ito kumpara noong COVID-19 surge dulot ng Delta variant.

“Both hospital bed occupancy and ICU occupancy are still very low level at this time,” dagdag pa nito.

Samantala, noong Lunes, nakapagtala ang Pilipinas ng 4,084 karagdagang impeksyon sa COVID-19. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?