1

Jul 22, 2020 @ 13:27
By

Bed capacity sa mga pasyenteng may COVID dinagdagan

Binago ng Department of Health (DOH) ang ipinatutupad na bed allocation para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga publiko at pribadong pagamutan.

Ayon sa DOH, gagawin ng 50% ang bed allocation para sa publikong pagamutan at sa sandaling tumaas pa ang kaso ng COVID-19 ay gagawin pa na 70% ito.

Habang sa mga pribadong pagamutan na may 20% bed allocation, gagawin na itong 30% kapag tumaas ang kaso ng COVID-19.

Ang desisyon ay ginawa ng DOH dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

Nalaman na mahigit 70,000 na ang kumpirmadong may COVID-19 sa bansa.
Habang 23, 281 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa COVID-19 at 1,837 naman ang mga nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?