232

Jan 9, 2022 @ 16:37
By

Bebot umalis sa trabaho para mamuhay bilang aso

Nag-resign sa kaniyang trabaho ang isang babae sa Texas para mamuhay bilang isang aso.

Kumikita ngayon ng £700,000 o P50 milyon si Jenna Phillips, 21 taong gulang sa paggawa ng video bilang aso sa kaniyang OnlyFans account.

Matapos naman ma-ban ang kaniyang unang TikTok account, gumawa ulit ito ng panibagong account na mayroong 205.6K followers

Ang pera ay nakukuha niya sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga kahilingan ng mga partikular na subscriber.

Kabilang sa kaniyang mga ginagawa ay ang pagtahol, paggulong sa sahig, paghabol ng bola, at iba pa na ginagawa ng aso.

Ayon kay Phillips, matagal na niyang pakiramdam na isa talaga siyang aso, ngunit hindi sa sekswal na paraan noong una.

“I feel like a dog. I just want to roll around, play fetch, get head scratches, run around and play. All of that.I have always acted like a puppy, but not in a sexual way at first. I used to pretend I was a puppy when I was growing up. I really love praise. I love hearing ‘good girl’. It makes my heart melt every time,” pahayag nito.

Sa kanyang dalawang taon bilang isang optician, nagsimula si Phillips ng isang OnlyFans account kung saan nag-post siya ng karaniwang X-rated content sa unang 18 buwan.

Ngunit nang makilala niya ang dalawang lalaki sa Chicago na nagsabi sa kanya tungkol sa ”pup play scene” dito na niya napagpasiyahan na gawin itong content.

Ang “pup play” ay isang uri ng adult role-play kung saan magpapanggap ang isa bilang aso upang magpakita ng submissive characteristic. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?