434

Jan 5, 2022 @ 18:24
By

Bebot tumigil sa pagbebenta ng utot

Tumigil na sa pagbebenta ng kaniyang utot ang Youtube vlogger na si Stephanie Matto dahil sa kaniyang iniindang sakit.

Kamakailan lang ay sumikat si Matto matapos nitong ibahagi sa social media na nagbebenta siya ng kaniyang utot, aniya pa, umaabot ang kaniyang kita sa $50,000 kada isang linggo.

Dahil dito dumami pa lalo ang kaniyang tagahanga hanggang sa gumawa na nga ito ng kaniyang sariling YouTube Channel na may X-rated content.

Ngunit ayon kay Matto ay titigil na ito sa pagbebenta ng kaniyang utot matapos itong magkaroon ng “heart attack scare.”

Ayon kay Matto, isinugod siya sa ospital dahil nakaranas siya ng mga sintomas ng atake sa puso.

Sumakit ang kaniyang dibdib at tila hindi na siya umano makahinga, kaya sumailalim siya sa EKG at comprehensive blood work.

Sa huli, lumabas sa resulta na ang kanyang regular na pagkain ng gas-inducing beans at itlog ay nagdudulot ng labis na pag-utot na humantong sa pananakit ng kaniyang dibdib.

Kaya napagdesisyunan ni Matto na magreretiro na lang mula sa pagiging isang ‘fartrepreneur’ dahil sa takot na maulit ang pananakit ng dibdib.

“I thought I was having a stroke and that these were my final moments. I was overdoing it,” ani Matto sa Jam Press.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?