136

Feb 10, 2020 @ 14:53
By

Bebot tumanggi sa sex ng tropa, sinaksak sa leeg

Dahil sa kabiguang makatalik, sinaksak ng isang lasing na lalaki ang kanyang babaeng katropa na tumangging makipag-sex sa Sta. Cruz, Laguna, Linggo ng gabi.

Mga tama sa leeg at kamay ang tinamo ng biktimang si Renzy Calasicas, 27 anyos.

Batay sa report ng Sta Cruz police, bandang alas-5:30 ng hapon, nagpapahinga sa kanyang bahay sa Barangay Bagumbayan ang biktima nang dumating ang lasing na suspek na si Arlan Tarañaz, 48 anyos.

Laking gulat ng dalaga nang walang kaabog-abog na yayain siya ng kanyang itinuturing na kaibigan na sila ay magtalik sa loob ng bahay.

Subalit tumanggi ito na ikinagalit ng suspek.

Bigla na lamang umanong nagbunot ng kutsilyo ang suspek at sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktima.

Bagamat natamaan sa kamay at leeg, nakapanlaban pa rin ang biktima at nasipa ang suspek kaya tumakas na lamang ito.

Pinaghahanap na ngayon ito ng mga pulis at inihahanda na rin ang kasong frustrated homicide at attempted rape laban dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?