137

Mar 1, 2020 @ 18:03
By

Bebot tinurukan ng injection na puno ng semilya

Arestado ang isang lalaki matapos na saksakin ang isang babae ng injection na puno ng semilya noong February 13.

Sa press release ng Anne Arundel County Department noong February 28, kinilala ang suspek na si Thomas Byrom Stemen, habang ang baba ay pinangalanang Katie Peters.

Sa surveillance video na nakuha ng mga pulis, makikita si Stemen na nakasunod kay Peters at biglang sinaksak si Peters sa tagiliran ng injection na may semilya.

Lumapit pa si Stemen sa kanyang biktima at tila tinutulungan pang hanapin kung anong sinaksak nito.

https://www.facebook.com/aacopd/videos/507223433512507/

Kinumpronta umano ni Peters si Stemen, ngunit tinanong lang siya pabalik: “It felt like a bee sting didn’t it?”

Nakatanggap ng tip ang mga imbestigador at inaresto si Stemen, na kinasuhan ng first at second degree assault, maging reckless endangerment.

Isa pang judge ang ang nag-utos na idetine si Stemen ng walang piyansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?