79

Dec 30, 2017 @ 11:53

Bebot tiklo sa nilunok na 1-kilo ng cocaine sa Thai airport

Inaresto ang isang 27-anyos na babae mula sa Ivory Coast sa Thai island ng Phuket matapos makita sa airport X-ray na nakatago sa loob ng kanyang tiyan ang higit isang kilo ng cocaine na nakabalot sa maliit na pakete.

Hinarang siya ng mga opisyal ng Phuket’s international airport nang lumapag mula sa Doha, Qatar, sa ulat ng AFP.

Nakita sa X-ray ang higit sa 60 maliit na pakete sa kanyang tiyan na may lamang 1.2 kilo (2.6 pounds) ng cocaine, ayon sa Sirinya Sitdhichai, secretary-general ng Office of Narcotics Control Board ng Thailand.

Natakda umanong ibigay ang iligal na droga sa mayayamang kliyente sa Bangkok.

Hindi tulad ng shabu, ang cocaine ay ibinebenta sa mayayaman nilang kostumer, ani Sitdhichai.

Kalimitan umanong gumagamit ng African o Asian na babae ang mga drug traffickers na nakabase sa West Africa bilang tagadala ng puslit na iligal na droga sa Thailand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?