40

Sep 21, 2021 @ 13:35
By

Bebot sinampolan rider na yakman

Isang Ilongga ang nanapak ng rider matapos umano nitong hipuin ang kanyang suso.

Ayon sa ulat ng GMA News, lumapit ang rider sa babae at nagtanong ng direksyon nang bigla umano nitong hawakan ang dibdib ng bebot.

“Nagtanong siya sa akin, sabi niya, “Saan ang Bito-on, Jaro?” Tapos tinuro ko kaniya. Sabi niya sa akin, ‘Maraming salamat,'” pagsisiwalat ng biktima.

“Pag-distansiya niya nang kaunti, bigla niyang hinawakan ang dibdib ko,” dagdag pa niya.

Dahil dito, dali-daling tumalon ang bebot sa likod ng motor ng kelot at pinagsasasapak ito.

Nakatakakas naman ang suspek na kasalukuyang tinutugis pa ng kapulisan. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?