37

Oct 14, 2021 @ 19:23
By

Bebot sa Turkey patay sa ‘killer selfie’

Nahulog sa bangin ang dalawang babaeng magpinsan sa Turkey dahil lamang sa kanilang selfie kung saan isa ang patay habang sugatan ang isa pa.

Ayon sa ulat ng The Sun noong Oktubre 13, may taas na 164 feet ang pinagbagsakan nina Hatice Nur Karabulut, 21-anyos, at pinsan niyang si Mazlum Sozeri, 26-anyos.

Ang bangin umano ay malapit sa Varda Viaduct, kung saan nagshooting ang pelikulang Skyfall ng isa sa kanilang mga scene noong 2012. Kaya naman naisipan ng dalawa na magselfie habang ang Varda ang background.

Una umanong nawalan ng balanse si Karabulut at tinangka siyang hawakan ni Sozeri ngunit ‘di niya ito kinaya at parehas silang bumagsak sa bangin.

Agad na binawian ng buhay si Karabulut habang ligtas ngunit tadtad ng pinsala sa katawan si Sozeri.

Batay sa datos ngayong taon, nasa 330 katao sa buong mundo ang namatay dahil sa lamang sa pagse-selfie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,