327

Nov 11, 2021 @ 8:46
By

Bebot sa Caloocan tiniketan sa sexy shorts

Laking gulat ng isang babae sa Caloocan City matapos umano siyang lapitan ng isang pulis at tiketan kaugnay ng pagsusuot ng maikling shorts.

Ayon sa ulat ng 24 Oras nitong Miyerkoles, nagdala lamang ang babae ng mga order ng kanyang customer nang lapitan siya ng pulis at tiketan kaugnay ng kanyang shorts.

“Akala ko po tungkol po sa mask ‘yung nilapit niya sa akin kasi po hawak ko po ‘yung mask ko noon. Ang sabi niya po yung maikling short daw titiketan daw po niya ako. Tapos sabi ko paano po yun sir hindi ko po alam na bawal ang maiksing short,” wika ng biktima.

“Halos lahat naman po talaga naka-short na po, eh sabi nga po ng matatanda doon paano naman kami nagshoshort din huhulihin din ba nila matanda na kami,” dugtong pa niya.

Batay sa isang ordinansa ng lungsod noong 2007, ang mga residente na nasa pampublikong lugar ay dapat nakasuot ng maayos na kasuotan.

Samantala, ipinag-utos naman ni Mayor Oscar Malapitan na iimbestigahan nila ang pangyayari. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?