44

Oct 20, 2021 @ 12:25
By

Bebot pinapak sa tren, mga pasahero nanood lang

Kawawa ang sinapit ng isang babae sa loob ng tren sa Philadelphia, USA matapos siyang gahasain ng isang lalaki habang ang ibang mga pasahero ay nanood lang at ang iba ang kumuha lang ng video.

Ayon sa ulat ng USA Today, kinilala ang suspek na si Fiston Ngoy, 35-anyos.

Bigla na lamang daw hinarrass ni Ngoy ang biktima at pinapak ito sa loob mismo ng sinasakyan nilang tren/

Ang malungkot dito, nanood lang umano ang ibang mga pasahero at nag-video lamang habang kinakawawa ang biktima. Dumaan na rin daw ang tren sa ilang mga istasyon ngunit wala man lang umaksyon sa panig ng mga pasahero.

Kung hindi pa umano dumating ang mga kawani ng Southeastern Pennsylvania Transportation Authority sa isang train stop ay hindi mahuhuli si Ngoy sa akto.

“When the doors opened, an officer entered and saw what he believed was a criminal act occurring,”pahayag ni Police Chief Thomas J. Nestel. “He ripped that man off her and pulled him out onto the platform.”

Batay sa imbestigasyon ay umabot ng 40 minuto ang paggalaw ni Ngoy sa biktima.

“What we want is everyone to be angry and disgusted and to be resolute about making the system safer,” wika pa ni Nestel.

Arestado naman ang suspek at nahaharap sa kasong rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?