119

By ,

Bebot ni Carmelo sa yate pinangalanan

Kinilala na ang babaeng kasama ni dating New York Knicks star Carmelo Anthony sa isang yate na kumalat sa social media kamakailan.

Ayon sa Page Six, ang nasabing babae ay si Sara Smiri, na ayon pa sa sources nito ay kasal na at may isang anak sa isang napaka-pribadong tao.

Pero ayon sa ilang multiple outlets, sinabi nito na si Smiri ay 28-anyos na at single kahit na sinabi ni Anthony sa isang video na may pamilya na ito.

“Y’all trying to expose somebody’s wife. Y’all exposing somebody’s kids. Leave that alone, man. That ain’t cool,” sabi ni Anthony.

Dahil sa lumabas na isyu, naapektuhan nang husto asawa ni Anthony na si La La, ayon sa ilang sources ng Page Six.

Dagdag pa nito, patuloy pa rin ang trust issues ni La La kay Carmelo matapos lumabas ang balita na diumano ay may anak ito kay Mia Angel Burks.

Hindi pa rin naglalabas ng komento si Smiri tungkol sa mga naglipanang isyu tungkol sa kanila ni Anthony.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?