marijuana
By

Bebot nanakit ng 2 nang kainin ng aso ang tanim na marijuana

Sharing is caring!

Isang babae sa Springfield, Ohio ang nagwala at nanakit ng dalawang babaeng matapos kainin ng aso ang tanim nitong marijuana.

Ayon sa report ng Springfield News-Sun, inaresto si Desarae Smith noong Lunes at kinasuhan ng assault.

Nagalit umano si Smith sa kanyang kapitbahay nang ubusin ng alagang aso nito ang tanim niyang marijuana sa likod ng kanilang bahay.

Sa galit ni Smith, sinugod niya ang may-ari ng aso at pinababayaran niya ito.

Nang tumangging bayaran, doon na nagwala si Smith at sinaktan ang dalawa niyang kapitbahay na parehong babae.

Hindi rin umalis si Smith sa bahay ng kanyang kapitbahay hanggang sa makatulog ito sa labas. Kinabukasan, nadatnan si Smith ng mga pulis at inaresto ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?