209

Nov 23, 2021 @ 20:05
By

Bebot namakyaw ng ecstasy sa Netherlands, tiklo ng PDEA

Arestado ang isang 29-anyos na babae nitong Lunes matapos umorder ng may P170,000 halaga ng mga imported party drug.

Sa ulat, kinilala ang suspek na si Isabel Lim, residente ng Villa Katrina Subdivision, Barangay Sto. Niño, Baliwag, Bulacan.

Bumili umano si Lim ng 100 piraso ng pink ecstasy mula sa Netherlands, na nabisto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dahil dito, nagkasa ang PDEA ng isang controlled delivery operation.

Nang dumating sa bahay ni Lim ang package, dito na siya dinakma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?