314

Nov 22, 2021 @ 17:58
By

Bebot nakaporma na kukuha ng ayuda pinagtalunan ng mga netizen

“Kailangan mukhang gusgusin kapag kukuha ng ayuda?”

Ito ang depensa ng isang netizen matapos siyang batuhin ng panghuhusga nang kumuha siya ng ayuda na nakasuot ng magandang dress at nakaayos.

Kuwento ng netizen na si Mylene Nocon, isang taga-DSWD ang nagtanong sa kanya kung sigurado itong kailangan niya ng ayuda dahil sa pustura niya.

Aniya, hindi naman kailangang mukhang gusgusin para masabing kailangan ng ayuda.

“Lahat ng tao need ng pera lalo na sa panahon ngayon. Hirap sating mga pilipino mindset natin iba ih. Hindi bat dapat kaming mga nawalan ng trabaho ang isa din sa priority ng gobyerno dahil kaming mga may trabaho ang mas apektado ng pandemya? Kesa sa mga taong sinasabi nyong mahihirap e wala naman talagang mga trabaho ang iba sa kanila bago pa magpandemya??” giit ni Mylene.

Humakot ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizen. May ibang naka-relate kay Mylene habang ang iba ay pinagsabihan siya.

Jing Ambol Heramis: “Relate ako dto yong maporma k hnd nla alm damit mo galing ukay2 galing sa basurahan lhat mga orig kala nla madaming laman ang bulsa mo ang hnd nla alm coins ang laman ng bulsa mo pmbili ng pgkain life ofw.”

Avie Nakagaki: “Pwedy naman kac ilagay sa lugar yung pagiging fashionista ninyo , sa ayudahan kau pupunta tapos ganyan suot nyo , kung alam nyo naman pala na judgemental yung mga tao bakit kailangan nyo pa magsuot ng ganyan eh pwedy naman simply lang.”

Rona B. Padua: “Dito sa min pag semento bahay mo dika din bibigyan ng ayuda haha.pare pareho naman tyong naapektuhan ng pandemic e.”

Kel Laude: “Nope, pero hindi kailangan maging OA, hello? kukuha ka lang po ng ayuda hindi ka aatend ng binyag o kasal.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: