43

Nov 17, 2021 @ 15:53
By

Bebot nagpaturok lang, nagka-motor na

Dahil sa pakulong PaBakuna Ta Bonanza sa Cebu City, isang 20-anyos na bakunadong dalaga ang naka-jackpot ng isang brand new na motor.

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, kinilala ang nanalo na si Ferli Doldolea, isang second year tourism student.

Nitong Nobyembre 15 unang ginanap ang raffle para sa mga bakunadong indibidwal sa lungsod.

Pinangunahan nina Acting Mayor Michael Rama at Acting Vice Mayor Dondon Hontiveros ang raffle.

Ang motor na napanalunan ni Doldolea ay isa lamang sa limpak-limpak na premyo sa PaBakuna Ta.

Ang iba pang premyo ay isang house and lot, isang bagong kotse, limang motor, P25,000 na gift cash, grocery, flat screen TV, at iba pang papremyo.

Mga bakunadong indibidwal lamang sa Cebu City ang pwedeng sumali sa PaBakuna Ta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?