101

Jun 24, 2022 @ 15:05
By

Bebot nagpakasal sa manika, nagka-anak pa

Sa isang life-sized na manika ikinasal at nagkaroon ng anak ang isang 37-anyos na babae mula Brazil, dahil sa tagal ng panahon na siya ay ‘di makahanap ng jowa.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, kinilala ang babae bilang Meirivone Rocha Moraes.

Nagreklamo umano si Moraes sa kanyang ina dahil walang lalaki ang lumalapit sa kanya kaya single pa rin siya.

Ang kanya namang ina, ginawan siya ng isang life-sized na ragdoll, na pinangalanang Marcelo. Ang malupit dito, na love at first sight si Moraes kay Marcelo.

Matapos ang ilang buwan ng kanilang relasyon, nabuntis umano ni Marcelo si Moraes. Kaya naman, napagdesisyunan nilang magpakasal. Bongga pa ang kasal at dinaluhan umano ng nasa 250 katao.

Bukod pa rito, inabot daw ng 35 minuto ang panganganak ni Moraes, at ni-live stream pa niya ito. Siya ay ‘nagluwal’ ng isang baby na manika na pinangalanang Marcelinho.

“‘He is a man I always wanted in my life. Married life with him is wonderful. He doesn’t fight with me, he doesn’t argue and he just understands me,” pahayag ni Moraes. “Marcelo is a great and faithful husband. He is such a man and all women envy him.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?