30
views
shabu5
By

Bebot nagdala ng shabu sa BF na preso, tiklo

Sharing is caring!

Magkasama na ngayong nakakulong sa Quezon City Police District (QCPD) detention cell ang isang magkasintahan matapos mabuking ang isang bebot na nagdala ng shabu sa kanyang nobyong nasa loob ng piitan.

Batay sa ulat ni QCPD Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., alas-singko kahapon nang maaresto ang suspek na si Gina Rosales, 24, nakatira sa ilalim ng tulay sa NDR, Brgy. Balon Bato.

Dinalaw umano ni Rosales sa custodial facility ng Police Community Precinct 1 ng Talipapa Police Station na matatagpuan sa Camachile, Brgy. Unang Sigaw, ang nakakulong niyang nobyo na si Florante Dimaano na nahaharap sa drug charges.

Nang kapkapan si Rosales ay nakuhanan ito ng isang sachet ng shabu, na sinasabing plano umano sana nitong ibigay kay Dimaano, na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.

Ayon sa QCPD, ang mag-live in partner ay kapwa kilalang drug personalities sa Brgy. Unang Sigaw.

Batay sa rekord ng pulisya, unang naaresto si Dimaano noong Hunyo 19, 2018 sa Brgy. Balon Bato nang makumpiskahan ng dalawang pakete ng shabu at digital weighing scale.

Sasampahan na rin ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Rosales. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?