97

By

Bebot na ‘wanted’ buking sa police clearance

Sharing is caring!

Hindi na nakauwi pa sa kanilang tahanan ang 22-anyos na babae na nagpaalam na kukuha lamang ng police clearance makaraang lumitaw sa ‘hit’ ng PNP E-Warrant system ang kanyang pangalan.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Police Clearance Section na pinamumunuan ni PChief Insp. Rodel C Maritana, ang naaresto ay nakilalang si Maria Del Mar, 22-anyos, residente ng Block 15 Lot 6 Midway Park Subdivision, Caloocan City.

Batay sa report, dakong alas-8:30 ng umaga (September 19) ay nag-aaplay umano ng police clearance si Del Mar subalit biglang lumitaw sa ‘hit’ ng PNP E- Warrant system ang kanyang pangalan kaya agad siyang dinakma ng mga awtoridad.

Sa isinagawang beripikasyon, si Del Mar ay may standing warrant para sa kasong attempted murder docketed sa criminal case number R-MNL-17-00821-CR, na inisyu ni Judge Alfredo D. Ampuan ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40, na may piyansang P120,000.

Nakatakdang i-turn over ng mga operatiba ng QCPD ang nahuling bebot sa korte kung saan ito kinasuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?