104
arestado
Jul 18, 2021 @ 21:23
By

Bebot na scammer, tiklo

Arestado sa isang entrapment operation ang isang babaeng nasa likod ng isang investment scam na ginagamit ang pangalan ng ilang mambabatas para makapanloko.

Kinilala ang suspek na si Christine Lagrisola.

Ikinasa ng NBI Special Action Unit ang operasyon matapos makarating ang isang reklamo mula sa isa niyang naging biktima.

Ayon sa biktima, pinangakuan siya ng suspek na magkakaroon ng malaking tubo ang milyones na kanyang ipapasok sa investment. Mahigit isang milyon ang ininvest ng biktima kay Lagrisola.

Dagdag pa ng biktima, gumamit ng mga pangalan ng mga kongresista at senador ang suspek upang mahikayat siya.

Ngunit nadiskubre niyang scammer ito nang tawagan niya ang isang kongresista at malamang wala silang koneksyon kay Lagrisola. Wala rin siyang kinita sa investment.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong estafa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?