cellphone
By

Bebot na pumitik ng cellphone ng Briton, kalaboso

Sharing is caring!

Kulungan ang kinasadlakann ng isang babae matapos magnakaw ng cellphone ng isang British national sa Ermita, Maynila kanina.

Kaagad na dinampot ng Manila Police District Station 5 ang suspek na si Rodilyn Fuentes sa Adriatico St. makaraang magsumbong ang biktimang si Darren James Monson.

Ayon sa MPD, nakumbinsi ng suspek ang biktima na tumingin ng hotel na pagpapahingahan sa Ermita at nang ibaba ang gamit ay doon na natuklasan ng dayuhan na nawawala na pala ang kanyang cellphone.

Sinasabing ang Iphone 5S na nakuha ng suspek ay naibenta lamang ni Fuentes sa halagang P700 sa Baclaran.

Nahaharap sa kasong theft ang nasabing suspek. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?